Leading To Close Your Prospect In Your Business

by Jumair Macabago

Free 3 Videos How To Sponsor 10-23 DownlinesSa blog post na 'to gusto ko ituro kung papaano mag-close ng prospect 'Leading To Close Your Prospect'. Pay close attention dahil ito ang pinaka importanting part sa pag convert ng prospect to downline.

Pwedeng maging pinaka magaling ka sa pag-sala ng iyong prospect.

Pwedeng maging pinaka magaling ka sa pag handle ng objection pero pag na missed out mo ang skill na 'to which is pag-close ng prospect hindi ka parin makaka-convert ng prospect into downline.

Naranasan mo na ba yung siguradong sigurado kana na sasali ang prospect mo sa business opportunity mo?

Yung tipong alam mo na lahat ng dahilan/reason why ng prospect at very qualified talaga ang prospect sa business mo dahil kelangan talaga niya at gustong gusto talaga niya kumita ng additional income para sa mga gusto niyang makamit sa buhay?

Pero ang nangyari once upon time pag gising mo kina-umagahan ay nabigla ka nalang na nasa ibang MLM, networker or business opportunity na siya sumali?

Ganun din ang nangyari sa akin, in fact ilang beses na nangyari sa akin ang ganun.

Noong hindi ko pa natutunan ang ituturo ko sa 'yo sa post na 'to kung papaano ba talaga mag-close ng prospect ng tama at effective.

Ang maaaring dahilan o reason kaya napunta ang prospect natin sa iba ay possibleng dahil sa marunong mag-close ng prospect yung nasalihan nila o kaya naman ay nagkulang tayo sa pag guide sa kanila sa business opportunity natin.

In short hindi nila nakita sa atin ang pagiging competent leader.

Because this is the TRUTH, - the truth will set you free.

In network marketing, online marketing or any kind of business opportunity - You are your Product, You are your Business, You are your Brand.

In other words, people join you, not your company or the compensation plan.

Kelangan mong pag-aralan at matutunan yung mga skills kung papaano mag-sponsor. Hindi na sapat yung POWER POWER lang at yung kidnap kidnap lang at share share lang.

People are smart now. Kelangan mo matutunan kung papaano ba talaga yung pag-sponsor. Yung specific skills.

The advantage of these new business models like MLM, Affiliate Marketing, ay pwede mong simulan kahit wala kang kahit anong background sa business pero ito din ang disadvantage niyan.

Ang pwedeng mong simulan na kahit wala kang kahit anong background.

The problem here is, porke't pwede mo itong simulan na kahit wala kang kahit anong background sa business ay hindi mo ito pag-aaralan. - Guys, the first thing to solve a problem is to recognize there is one. And that problem is ourselves.

Kelangan mo pag-aralan at matutunan ang mga skills. Kung nagawa mong pag-aralan ang ibang bagay for almost 10 years (traditional education) bat di mo subuka aralin to. This new business model can change your life, can make you a millions and can help you achieve your dreams.

Ito yung tipong pag-aaralan mo na hindi lang para sa pang araw2x na gastosin. Not just for a living but for your dreams. Wag kang patumpik tumpik. Wag kang aasa nalang sa upline mo.

This is your business at wala ng iba.

Nuff said...

Let's start with the closing strategy.

Leading to close your prospect.

Kung naipanood mo na sa prospect mo ang video presentation niyo or kung naka-attend na ang prospect mo sa seminar presentation niyo. Kelangan mo magtanong ng tamang tanong sa prospect mo.

Karamihan sa mga networkers at marketers, ay kadalasang nagtatanong ng mga maling tanong sa kanilang prospect matapos nila ito mapanood sa presentation ng company nila.

Ang kadalasang unang tinatanong nila sa prospect ay yung tanong na tulad nito...

"Kumusta ang business?"

"Ano sa tingin mo?"

"Ano yung tingin mo sa business?"

"Ano sa palagay mo?"

"What do you think?"

Ang advice ko lang ay wag mong gagamitin ang mga ganitong klaseng mga tanong, dahil mga maling tanong to.

Kapag tinanong mo kasi ang prospect mo ng katulad nito "Ano sa tingin mo?", madami siyang pwedeng isagot sa'yo. At ang kadalasan na isasagot niya ay yung mga hindi niya naintindihan dun sa presentation n'yo o kaya naman ay yung mga hindi nya nagustohan.

Ganito kasi yan, kahit tapos mo ng maipanood sa prospect yung business presentation nyo kelangan mo parin ilead ang prospect mo sa mga next step na gusto mong mangyari at yun ay ma-close mo siya sa business mo.

Para magawa mo yun kelangan ay magawa mong mas mag-focus ang prospect mo sa mga positive things na nakita nya sa company at opportunity mo.

Tanggapin natin na walang perpektong company at opportunity. Lahat ay may mga advantages at disadvantages. Pero kung gusto mong positive ang magiging response ng prospect mo, ang unang unang itatanong mo sa kanya pagkatapos niya mapanood ang presentation niyo ay ito...

"Ano yung mga pinaka nagustohan mo sa ________?"

Kung papaano mo ipinakita sa prospect mo yung presentation nyo, yun ang ilalagay mo sa blank. Tulad nito...

"Ano yung mga pinaka nagustohan mo sa video presentation?"

"Ano yung mga pinaka nagustohan mo dun sa seminar?"

"Ano yung mga pinaka nagustohan mo sa napanood mo?"

Ang magic sa tanong na 'to ay ang "PINAKA NAGUSTOHAN"

Kapag tinanong mo ito sa prospect mo, ang mangyayari ay babalikan niya sa isipan nya yung mga napanood at napakinggan niya sa seminar nyo.

At ang mangyayari magpepay-attention at magfo-focus yung isipan niya doon sa mga bagay na pinaka nagustohan niya sa 'yong opportunity.

Sasabihin niya sayo kung ano-ano yung mga bagay na pinaka nagustohan niya at kung saan siya pinaka naging interesado.

Sa kanya na mismo manggagaling kung ano-ano dun sa business mo ang sa tingin niya ay pinakamakakatulong sa kanya.

Sa kanya na mismo manggagaling kung ano-ano dun sa business mo ang sa tingin niya ay magbe-benefits siya.

Sasabihin niya sa 'yo yung mga clue kung paano mo siya mako-close sa business mo.

Eto yung mga pwedeng isagot sa 'yo ng prospect mo kapag tinanong mo sya ng question na "Ano ang pinaka nagustohan mo sa _________?"...

"Nagustohan ko yung pwede kang kumita ng malaki kahit part time."

"Yung ganda ng products"

"Maganda yung income opportunity."

"Napakaganda nung mga products at effective."

etc.. etc..

Puros positive na sagot ang makukuha mo mula sa mga prospect mo.

At pagkatapos magbigay ng sagot ang prospect mo, pwede mo pang alamin kung ano-ano yung mga nagustohan niya. Hayaan mo lang magsalita ang prospect mo habang nakikinig ka. Pwede mong sabihin sa prospect mo ang mga tanong na 'to...

"Ano yung nagustohan mo dun sa products?"

"Ano yung nagustohan mo dun sa kitaan?"

"Ano yung nagustohan mo dun sa marketing plan?"

Ngayon eto ang mangyayari, sobrang lupit, kasi hindi na ikaw ang nagko-covince sa prospect mo. Dahil ang nangyayari siya na mismo ang nagko-convince sa sarili niya..

Siya na mismo ang nagbebenta sa sarili niya ng opportunity mo.

Maniwala ka sakin, sobrang mas effective at napaka-powerful kapag prospect mo ang nagsasabi ng mga kagandahan ng opportunity at products mo, kumpara sa kung ikaw ang nagsasabi ng mga iyon.

If sabihin niya na sa 'yo kung ano-ano yung mga nagustohan niya, ang gawin mo ay i-highlight mo ang mga bagay at topic na yun sa pag-uusap niyo.

Kung ang pinaka nagustohan niya ay yung products, discuss more about the products. Ipakita mo yung mga additional benefits ng products mo. Ipakita mo yung mga iba pang real life testimonies ng mga user ng products nyo. Bigyan mo siya ng mga samples.. etc...

Kung bago ka palang, pwede mo siyang ipakilala sa mga top leaders ng team at company nyo. O kaya naman ay ikwento mo yung mga success stories ng mga successful distributors or members sa company niyo.

It's also good idea kung maipapakita mo sa kanya yung game plan ng team niyo para sa mga new members na pumapasok. Ano yung mga tools at training na magagamit nya para kumita kaagad at magawa ng tama yung business.

TAKE NOTE - Wag ka agad basta2x magpresent ng hindi mo alam kung ano ang nagustohan ng prospect mo. Paano kung marketing plan yung nagustohan niya tapos ang hina-highlight mo ay yung products. Madidisappoint ang prospect mo. The best time to close your prospect is when you have their attention.

Ang pinaka mahirap kunin ay ang attention ng prospect mo, yung time niya kesa sa pera niya. They a have choice to ignore you.

Mako-close mo ang prospect mo sa pamamagitan ng method na 'to.

Listen to your prospect, kaya tayo may dalawang tenga at isang bibig ay mas mabuti kung makikinig muna tayo at alamin kung ano yung nagustohan ng prospect at ano yung concern niya..

Conclusion:

  1.  Wag magtanong ng "Kumusta ang business?" etc.

  2.  Makinig sa prospect at magtanong ng tamang tanong sa prospect para sila na mismo ang mag convince sa sarili nila sa offer mo.

  3.  Ang keyword ay PINAKA NAGUSTOHAN.

Did this help you? If so, I would greatly appreciate it if you commented below and shared on Facebook.

MLM Training Philippines







Jumair Macabago's Empowering Blog
Facebook: @macabagojumair
Email: [email protected]

PS: Kung Wala Kang Team, O Wala Ka Pang Napapasali, (Kahit 10 Man Lang Na Prospect), This is the Course you Should Get - Network Marketing Training Course

Love this article? Share this with your friends!

Write Your Comment Below

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

%d bloggers like this: