How to Handle ‘Pautangin Mo Muna Ako’ Objection

by Jumair Macabago
Hirap Magka-Downlines? Free 3 Videos How To Sponsor 10-23 DownlinesSa blog post na'to ituturo ko sa'yo kung paano sagotin ang pinaka makulit na objection na "Pautangin Mo Muna Ako" na palagi nating natatanggap lalo na sa mga kakilala natin na ating inimbita sa ating business..

Waaaaa... pag nga naman ito na ang sasabihin ng iniimbita ko lalo na pag kakilala ko ay, aba ehh... nababaliw ako sa kakaisip kung ano sasabihin ko.
 
 
Alam mo yun, ikaw na nga ang nag-offer ng magandang opportunity uutangan ka pa. Ha ha ha!
 
Babanatan ka pa ng "Kung talagang gusto mo akong tulungan, pautangin mo ako".. Wohoo, ang lupet noh? Ha ha ha
 
Alam mo ba kung ano ang dapat mong sabihin sa ganitong objection?
 

Ganito ang gawin mo at isagot mo sa "Pautangin Mo Muna Ako" objection...


Prospect:
"Pautangin mo muna ako. Babayaran lang kita pag kumita na ako"
 
Ikaw: Willing ka ba talagang mangutang para makapagsimula sa business na'to?
 
Prospect: Oo
 
Ikaw: Ano yung magandang dahilan bakita kita papautangin?
 
Prospect: Ay syempre... ganito, ganyan, ganire...
 
Ikaw: Maipapangako mo bang ibabalik mo yung hihiramin mo kapag may pera ka na?
 
Prospect: Oo promise.
 
Ikaw: OK, matutulungan kita kung paano ka magkakaron ng pera, pero di kita mapapautang. Ganito gawin mo, kuha ka ng papel at ballpen.
 
(Or bigyan mo s'ya ng papel at ballpen)
 
Ikaw: Isulat mo sa papel ito P7,000/25 Ano sagot?
 
(Ipasulat mo sa kanya yung presyo ng pay-in sa company n'yo devided by 25)
 
Prospect: P280
 
Ikaw: Ok, good. Ngayon magsulat ka dyan sa papel ng 1 up to 25.
 
Prospect: Ok na.
 
Ikaw: Isulat mo dyan yung mga pangalan ng mga pinaka malapit mong kaibigan, kamag-anak at kakilala.
 
Prospect: Ok na.
 
Ikaw: OK great, di ba kanina sabi mo na willing kang manghiram para makapagsimula ka sa business na'to at para (their reason why). At sabi mo din na mapapangako mo na maibabalik mo yung hiniram mo once na magkapera ka na.
 
Ngayon kung talagang gusto mong makapag simula sa business na'to, ganito ang gawin mo, lapitan at kausapin mo yang mga tao na sinulat mo dyan sa papel na yan. Sa 25 mong kaibigan na yan ka manghihiram ng tig P280. Siguro naman ay hindi ka mahihirapan na manghiram dahil hindi naman kalakihan yung P280.
 
Sabihin mo sa kanila yung dahilan na sinasabi mo sakin kanina kung bakit kita papautangin ng pera. Sabihin mo din sa kanila yung sinabi mo sakin na maipapangako mo na ibabalik mo yung hiniram mo kapag nagkapera ka na.
 
Tapos kontakin mo ko kapag OK na para maituro ko sa'yo yung mga gagawin mo para makapagsimula.
 
NOTE: Kung talagang seryoso sila, gagawin nila ang pinagawa mo, kung hindi, hindi nila gagawin. Kaya wag kang mage-expect.
 
Did this help you? If so, I would greatly appreciate it if you commented below and shared on Facebook.
MLM Training Philippines





Jumair Macabago's Empowering Blog
Facebook: @macabagojumair
Email: [email protected]

PS: Kung Wala Kang Team, O Wala Ka Pang Napapasali, (Kahit 10 Man Lang Na Prospect), This is the Course you Should Get - Network Marketing Training Course

Love this article? Share this with your friends!

Write Your Comment Below

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

%d bloggers like this: