how to handle networking ba to objection

How to Handle ‘Networking ba to’ Objection

by Jumair Macabago

Walang Marecruit? 3 Free Videos 300x300Sa blog post na'to gusto ko ituro kung paano sagotin ng tama ang objection na 'networking ba to?'

Marami na akong nakikitang networker na na-ooffend sa ganitong klasing tanong, meron din na hindi alam ang tamang isasagot. Minsan may nakikipag away pa.

Minsan may sumasagot pa ng harsh words sa prospect para lang maipamukha sa prospect nila na maganda ang network marketing.

Pero hindi nila alam na yung mga sagot nila ay nagbibigay ng masamang impression sa prospect kaya ang nangyayari tumataas o lumalaki ang belief o impression ng prospect na hindi maganda ang network marketing.

Kadalasan yung mga prospect na nagbibigay ng mga ganitong objection ay mga taong may wrong impression sa network marketing industry.

Maaaring may mga maling information sila na nadinig sa mga kakilala nila o kaya naman ay dahil sa maling publicity ng media at minsan may mga prospect na dumaan na talaga sa network marketing at nag-fail o kaya naman ay na-scam. It would be better for you kung masasagot mo ang prospect ng tama at ng makita ka nila as a competent leader.

Ang kaylangan mong gawin ay i-educate sila kung ano ba talaga ang network marketing at kung ano ba ang benefits ng industry na ito para sa kanila.

Para masagot mo ng tama at mai-educate mo ang prospect kaylangan mong malaman ang dahilan kung bakit nila ibinato o ibinigay ang ganung klasing objection na "networking ba to?".. You can do that by asking the right question.

I'm going to give you the actual script that I'm using to handle this kind of objections.

These scripts can be apply to the following objections.

"Niloloko lang kayo sa networking!"

"Networking? haha Hindi totoo yan! scam yan!"

You can apply these scripts to this kind of objections so long as it connects to Networking wrong belief.

Let's start, gamitin natin ang objection na 'Networking ba to?'.

Prospect: Networking ba to?

Ikaw: Great question, pwede mo bang sabihin kung ano yung unang pumapasok sa isipan mo kapag sinabing Networking?

With this answer, hindi mararamdaman ng prospect mo na na-offend ka (dahil sa totoo lang pag ang mindset mo ay tama, hinding hindi ka ma-ooffend sa ganitong objection. Mas matutuwa ka pa pag ibinato to ng prospect). 

Sa pamamagitan ng sagot na 'to mararamdaman ng prospect mo na sincere ka at gusto mo malaman kung bakit niya sinabi yun. Hindi rin mag aalangan sagotin ng prospect mo ang tanong mo dahil walang tension na galit ang mararamdaman nila.


Prospect: Yung mga scam

Ikaw: Gusto mo bang sumali sa mga scams?

Or Yun ba yung hinahanap mo?

Prospect: Syempre hindi..

Ikaw: Pwede ko bang ishare sa 'yo kung bakit yung iba ay scam ang tingin sa mga network marketing opportunity?

Prospect: Pwede (or Sige)


Ikaw: Okay, ipaliwanag ko sa 'yo ng maige. Gagawin kong example ay ang mga pulis. Lahat ba ng pulis ay matino at tapat sa tungkulin?

Prospect: Hindi

Ikaw: Tama ka, may mga ilan na may maling gawain, pero di natin maiwasan na kung minsan, porke't may mga tiwaling pulis ang tingin na ng karamihan ay masama na sa buong kapulisan, tama ba?

Prospect: Oo, tama ka..

Ikaw: Ganun din dito sa network marketing industry PROSPECT FIRST NAME, may mga ilan din na talagang mga scams na nagte-take advantage sa mga tao, pero hindi lahat dahil meron talagang mga legal na opportunity kung saan pwede ka talagang kumita. Pero ang nangyayari, pati yung mga legal ay napapagkamalan na scam dahil nga sa mga maling gawain at pagsasamantala ng ibang tao.

May gusto akong ipakita sayong mga katibayan para makita mo na legitimate ang program at opportunity na 'to. Ok ba yun sa 'yo?

Or

Gusto mo bang ituro ko sa 'yo paano mo malalaman na legitimate ang isang network marketing company / opportunity?

Prospect: Sige,  ok sakin yun.

Make sure na alam mo kung ano ang legitimate na network marketing. Lagi mong tatandaan na mas importante ang degnidad mo kaya make sure na legitimate ang company mo at laging tatandaan i-educate ang prospect at hindi to aawayin.

People aren't turned off by network marketing, they are turned off by network marketers. We are here to educate people, mas masarap gawin ang business pag ganito ang ginagawa at ang mindset mo.

Pag ang mindset mo mali, magiging mali din ang approach mo at ang mga magiging sagot mo sa mga objection ng mga prospect mo.

Isulat mo ang mga script sa note mo and start applying it. You can maximize how to use it, hope it helps!

Be knowledgeable, educated and professional in network marketing. Let's clean up the mess that other network marketers have done.


Let's educate others and stop other network marketers giving network marketing a bad name.

Conclusion:

  1. Wag makikipagtalo sa prospect at alamin kung ano ang totoong dahilan sa objection o tanong ng prospect sa pamamagitan ng pagtanong ng tama dahil kapag nakipagtalo ka masisira ang pangalan mo at ang business mo.

  2. Wag maging defensive dahil hindi ito tama at effective.

  3.  I-educate ang prospect kung ano ba talaga ang networking at kung ano ang maitutulong nito sa kanila dahil karamihan sa mga nagbabato ng objection na 'networking ba to' ay may maling impression lang sa networking business.

Did this help you? If so, I would greatly appreciate it if you commented below and shared on Facebook

MLM Training Philippines





Jumair Macabago's Empowering Blog
Facebook: @macabagojumair
Email: [email protected]

Considering Online Training? Check out the upcoming FREE Online TrainingSerye this October 17, 2016, CLICK HERE!

PS: Kung Wala Kang Team, O Wala Ka Pang Napapasali, (Kahit 10 Man Lang Na Prospect), Itong MLM Training na'to ang Kaylangan Mo - Click Here To Get Your FREE Video Training!

May mga objection ba na hirap kang sagotin at gusto matutunan kung paano sagotin ng tama? If so, please share it with me in the comment box.

Love this article? Share this with your friends!

Write Your Comment Below

Comments

  • William Bernard
    March 7, 2016

    Wow,, thank you for sharing this bro.. tama, ang mga network marketer ang sumisira sa image ng network marketing, walang proper training. Another learnings

  • Yanadj Salbo Ampatua
    March 7, 2016

    Worth reading, salamat sa tips… god bless you jumair

  • Randy M Novion
    March 10, 2016

    Madali itong tips mo sundin. Salamat, Jumair.

  • June 23, 2016

    Thank you for sharing this very valuable and helpful information… God Bless You Bro Jumair 🙂

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

%d bloggers like this: