How to Handle ‘Magkano Na Ba Ang Kinita Mo Dyan?’ Objection

by Jumair Macabago

Free 3 Videos How To Sponsor 10-23 DownlinesSa blog post na'to ituturo ko sa'yo kung papaano sasagotin ng maangas (joke), effective na paraan ang tanong o objection na "Magkano na ba ang kinita mo dyan?".

Naitanong na ba ito sa 'yo?

Hirap ka bang sagotin ang tanong na 'to?

Natatakot ka bang itanong sa 'yo to ng prospect mo?

Kasi ako OO, nung nagsisimula pa lang ako takot akong itanong sa akin to ng prospect ko.

Ang dahilan kaya natatakot ako kasi hindi ko alam kung paano ito sagotin ng effective at tama.

Baka kasi hindi siya sumali pag nalaman niya na wala pa akong kinikita or kinita, which is "Social Proof" para maniwala siya na totoo ang business opportunity na inaalok ko at ng sumali na din siya.

Wala ng mas lulupit pa sa objection o tanong na 'to. Ito yung kapag baguhan ka pa lang tapos tinanong to sa 'yo ay talaga namang mauutal ka at kakabahan.

Minsan pa nga ay pag papawisan ka, di ba?

Wag kang mag-alala. I feel you, ramdam na ramdam kita. In fact marami tayo ang natatakot at natetense sa ganitong klasing objection o tanong kapag nagsisimula pa lang tayo lalo na kung wala pa tayong kinita o kinikita.

Pwedeng ang pumasok sa isip mo nung itinanong sa'yo to ay..

"Naku baka hindi ko mapasali to kasi hindi pa ako kumikita"

OR 

"Naku baka hindi ko mapasali to kasi maliit palang kinikita ko"

Pero wag ka, mali tong pag-iisip na'to.

Ito yung kaylangan mong maintindihan. Karamihan pag tinanong nila ang objection na ito, ay hindi naman talaga nila gustong malaman kung magkano yung eksaktong kinikita o kinita mo.

Dahil ang talagang gusto nilang malaman ay kung...

  • Totoo ba ang opportunity mo?
  • Totoo ba na may kumikita sa company n'yo?
  • Baka masayang lang ang pera nila kapag nag-invest sila.

Sa madaling salita, gusto nila ng pruweba or ng social proof kung may mga kumikita ba talaga sa opportunity mo.

May mga ilang sagot na sa objection na 'to pero sa lahat ng nasubukan ko, nabili at napag-aralan kong training. Eto yung pinaka-effective at nakakatuwa na paraan sa pag sagot nito.

Ganito mo sagotin ang objection na "Magkano na ba ang kinikita mo dyan"


Prospect:
Magkano na ba ang kinita mo dyan?

Ikaw: Magkano ba ang gusto mong madinig para maging interesado ka?

OR

Ikaw: Magkano ba ang gusto mong madinig para maging interesado kang tignan ng maige ang opportunity na 'to? :-)

OR

Ikaw: Magkano ba ang gusto mong madinig para ma-impress ka? :-)

Wag mong kakalimutan ilagay yung Smiley kapag sa chat para hindi magmukang maangas. Kapag kausap mo yung prospect ng face to face, ikaw ang mag Smiley Face. :-)

Napaka-effective nitong sagot na 'to, mamaya malalaman mo kung bakit pero sa una medyo kaylangan mo ng kaunting lakas na loob kung gagamitin mo ang sagot na 'to. Medyo kaylangan ng posture..(confidence)

Pero wag kang mag-alala dahil masasanay ka din pag ginamit mo na ito ng ilang beses.

Kapag tinanong mo sa prospect ang tanong na 'to magbibigay siya ng figure sa 'yo. Hindi mahalaga kung hindi mo pa kinita o kinikita yung amount na sasabihin ng prospect. Kaylangan lang ay may mga alam kang success stories from your company. Gagamitin at ikukwento mo kasi yung success story na yun prospect mo.

Parang ganito ang magiging flow ng pag-uusap n'yo...

Prospect: Magkano na ba ang kinikita mo dyan?

Ikaw: Magkano ba ang gusto mong madinig para maging interesado kang tignan ng maige tong business na 'to? :-)

Prospect: P25,000

Kung kinita mo na yung sinabi niyang figures sa 'yo, sabihin mo lang...

"Great, yan na ang kinikita/kinita ko dito, gusto mo bang ITURO ko sa 'yo kung ano ang ginagawa ko para kitain yung ganung income?"

Kung hindi mo pa kinikita yung sabi niyang figures, ito yung isagot mo...

Ikaw: Well, basically kakasimula ko palang sa business na 'to kaya hindi ko pa nari-reach yung ganyang level ng income. Pero let me tell you about ________, na kumikita na ng ganyan dito sa company na'to. Gusto mo bang malaman kung ano ang ginawa niya para kitain ang ganung income?

Kwento mo yung maikling storya na binanggit mo. Then, tell your prospect this...

Ikaw: Willing ka ba din bang aralin at gawin yung ginagawa niya possible na kitain mo yung income na kinikita niya. Willing ka bang matutunan at gawin yun ginawa niya?

Prospect: Oo

Ikaw: Ok good, eto yung unang gagawin mo para makapag simula... (Sponsor him/her in your business).

NOTE: Sinabi mo dito sa last line na ito ay "POSSIBLE din na kitain", ibig sabihin hindi ka nag ga-garauntee na kikita s'ya ng the same amount. Magdedepende pa din kasi sa aksyon nya ang magiging resulta n'ya.

Be professional sa pag i-sponsor ng iyong prospect. Wag mo sila bigyan ng maling impormasyon o bigyan ng guaranteya. Kung hindi sila sasali dahil hindi guaranteed na kikita sila then wag mo sayangin ang oras mo sa kanila.

Maghanap ka ng katulad mo. Wag kang maghahanap ng taong tamad at gusto kumita ng walang ginagawa. Always emphasize na kaylangan may gagawin sila para kitain yun, always ask them kung willing sila gawin lahat ng kakaylanganing gawin. I-sort out mo, parang pag-aapply ng trabaho.

Ikaw ang interviewer, sila ang nag-aapply.

Magandang idea din na ipakilala mo ang prospect mo sa higher uplines ng team niyo na may mga resulta na. Eto ay para mas tumibay yung social proof.

Did this help you? If so, I would greatly appreciate it if you commented below and shared on Facebook

MLM Training Philippines

 

 



Jumair Macabago's Empowering Blog
Facebook: @macabagojumair
Email: [email protected]

Considering Online Training? Check out the upcoming FREE Online TrainingSerye this October 17, 2016, CLICK HERE!

PS: Kung Wala Kang Team, O Wala Ka Pang Napapasali, (Kahit 10 Man Lang Na Prospect), This is the Course you Should Get - Network Marketing Training Course

Love this article? Share this with your friends!

Write Your Comment Below

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

%d bloggers like this: