Paano sagotin ang taong hindi naniniwala sa panginoon.

How to Handle Atheist – Lesson For Your Business

by Jumair Macabago
How to Handle Atheist - Lesson For Your Business
 
Ano ang lesson na makukuha mo dito para sa business mo.
 
Isang araw may relihiyosong si John, nagpagupit sa isang matandang barbero.
 
Nagtanong ang matandang barbero..
 
Barbero: Kumusta ang araw mo iho?
 
John: Ok naman po, naka jamming ang pamilya sobrang saya.. Salamat kay God!
 
Natahimik ang dalawa. Ilang oras natapos na din ang paggupit.
 
Biglang nagsalita ang Barbero at ang sabi:
 
"Alam mo iho, hindi ako naniniwala sa panginoon."
 
Napatanong si John:
 
"Bakit mo po sakin sinasabi yan at bat mo po nasabi yan?"
 
Barbero: Kasi kung totoo ang panginoon bakit niya hinayaan na may di nakakakain, bakit hindi niya pinipigilan ang mga gera at away sa mundong to.. bakit miserably ang takbo ng mundo at bakit wala siyang ginagawa?
 
 
Ang nasabi lang ni John ay..
 
"Ok po, see you next time, salamat po"
 
Yun lang ang nasabi ni John, hindi dahil sa ayaw niya makipag gulo kundi dahil sa wala siyang maisip na sasabihing tama kaya lumabas nalang siya agad pagkatapos niyang magbayad...
 
Paglabas niya nakita niya tong binata sa gilid ng barber shop na sobrang haba ng buhok.
 
Guess what?
 
Boom! biglang pumasok sa isip ni John ang sagot. "It's a sign from God"
 
Bumalik siya kasama yung binata sa loob ng barber shop.
 
Napatingin ang matanda sa pag balik niya.
 
Sabay sabi ni John sa matanda.
 
"Sir, alam niyo po ba na hindi totoo na may barbero?"
 
Napareact ang matandang barbero at sabay sabi...
 
"Ehh, ano ako iho? di mo ba nakikita na barbero ako? ibig sabihin totoo ako..."
 
Sagot agad ni John:
 
"No mali po kayo, hindi po nag eexist ang barbero
 
Dahil kung nag eexist po ang barbero. Bakit marami pong tao ang mahaba ang buhok tulad nalang ng binatang to.."
 
Sinagot agad ng matandang barbero..
 
"Dahil hindi naman sila pumupunta sa akin kaya mahaba ang buhok nila. Hindi nagugupit kasi hindi sila pumupunta sa akin."
 
Napangiti si John sabay sabing...
 
"That's the point, yun po ang point ko.
 
TOTOO po ang panginoon,
 
Ang problema nga lang po ay karamihan sa tao ay hindi pumupunta sa panginoon kaya maraming hindi nakakakain, maraming gulo at krimen na nangyayari..
 
Tulad nalang ng binatang to, hindi siya pumupunta sa inyo kaya hindi po nagugupit ang buhok niya.. kaya po mahaba ang buhok niya.
 
Pag pumupunta po kayo sa mga seminar na tungkol kay God, matuturuan po kayo ng magagandang asal.. maituturo po sa inyo yung 10 commandments.
 
Matatanim po yun sa isip niyo,
 
Let's say na lahat ng tao ay pumupunta kay God...
 
Sa tingin niyo po pag lahat ng tao pumupunta kay God at naniniwala may gulo pa kayang mangyayari?
 
God teaches us to give blessing to others, be good.. lahat ata sa 10 commandments ay maganda pero kunti lang ang gumagawa nito at kunti lang lumalapit kay God.
 
Ang iba lumalapit lang kay God once a year, kaya paano po makakatulong si God kung ganun po?
 
Ano po masasabi niyo?"
 
Natahimik ang matanda at napaniwala ito ni John.
 
--------------------------------------------------------------
 
jumairmacabagoNow let's get back to the business.
 
May tatlong LESSON na makukuha sa estoryang to para sa MLM business mo.
 
1st. Wag ka ma-offend sa prospect mo.
 
Tularan mo ang ginawa ni John, kung wala kang tamang sagot. Wag ka nalang sumagot dahil mas madidisappoint ang prospect mo sa'yo or mag thank you ka nalang.
 
Maghanap ka ng paraan na masagot mo ito ng tama, wag ka padalos dalos.
 
Wag na wag kang aataki na wala kang bitbit na bala.
 
2nd. Educate your prospect.
 
Makinig ka sa prospect mo, intindihin mo kung bakit niya sinabi sayo yun tulad ng ginawa ni John.
 
Kaya tayo may dalawang tinga at isang bibig ay dahil mas advisable na makikinig ka muna bago ka magsalita.
 
Alamin mo ang likod ng tanong o objection ng prospect mo.
 
Pag naintindihan mo na kasi masasagot mo ito ng tama at pag nasagot mo ito ng tama, may possibility na maopen up sayo ang prospect mo at magdecide na sumali sayo.
 
Marami ding prospect ang matalino na,
 
May mga ibabato nila sayo ang objection hindi dahil sa object talaga sila kundi dahil sa gusto nilang malaman kung ano ang isasagot nila pag binato sila ng ganung klasing tanong o objection pag ginawa na nila ang business..

3rd. Always leave a question after your explanation.

Ikaw ang huling magtatanong para ikaw ang control sa conversation niyo. Kapag ikaw ang nagtanong mapapaisip ang prospect mo at macoconvince niya ang sarili niya na tama ang mga sinabi mo.

 
That's it!
 
Apply,
DOMINATE, THEN SUCCEED!
 
Did this help you? If so, I would greatly appreciate it if you commented below and shared on Facebook.

MLM Training Philippines





Jumair Macabago's Empowering Blog
Facebook: @jumairmacabagopage
Email: [email protected]

Considering Coaching? Check out our FREE Online Seminar Every Night where we Help People Everyday.

PS: Kung Wala Kang Team, O Wala Ka Pang Napapasali, (Kahit 5 Man Lang Na Tao), This eBook Is Just For You - Sponsoring 301 - A Professional Way of Sponsoring and The Right Mindset

Write Your Comment Below

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

%d bloggers like this: