How to Handle Wala Akong Pera Objection

How to Handle Wala Akong Pera Objection

by Jumair Macabago

Hirap Magka-Downlines? Free 3 Videos How To Sponsor 10-23 DownlinesSa blog post na'to ituturo ko sa'yo kung paano sagotin ang objection na Wala Akong Pera.

This is a very common objection na palage natin natatanggap sa mga prospect natin.

This is the the TRUTH.

70-80% na nagbabato nito ay nagpapalusot lang. Pwera na lang kung ang mga ini-imbita mo ay puros mga pulubi sa kalye. Yun talaga lahat ang nagsasabi ng totoo kasi wala talaga silang pera.

Bakit hindi ko siya kino-consider na objection at sinasabi ko na palusot lang ito?

Subukan mong magpunta sa mga urban na lugar at sa mga slum area. Makikita mo dun madaming hirap at walang pera. Pero wag ka, wala silang pera pero ang lalaki ng TV n'yan sa bahay. Naka-cable pa. At ang malupit kapag may birthday, ang handaan bonggang-bongga.

Ibig sabihin, kahit anong bagay pa yan, "Kapag gusto ay magagawan ng paraan, kapag ayaw, makakaimbento ng dahilan."

Madalas palusot lang itong objection na'to na Wala Akong Pera.


This is an easy way out para sa mga prospect na nagpapalusot. Madalas mo makukuha ang objection na'to kung hindi mo niqualify ng maige ang mga prospect na kinakausap mo tulad nung itinuro ko sa eBook na Sponsoring 301.

Para mahandle mo ang objecton na ito. Kaylangan mo lang alamin kung nagpapalusot lang ba ang prospect mo o nagsasabi siya talaga ng totoo.

Dahil sa totoo lang, in reality pwede mong sabihin sa prospect mo ang lahat ng paraan para makapag-start sila ng kanilang business at kung paano sila makakapag-raise ng pang-invest.

Pero ang tanging mga gagawa lang ng aksyon ay yung mga tao na nakita yung bigger picture ng network marketing or opportunity na ino-offer mo.

Ang matutulungan mo lang talaga ay yung mga interesado at yung mga desedido.

Ito yung pwede mong sabihin para malaman mo kung nagsasabi ba sila ng totoo o nagpapalusot lang sila.

Prospect: "Maganda sana ang opportunity pero wala akong pera"

Ikaw: "Pwede ba magtanong? OK lang ba sa'yo kung magtatapatan ta'yo sa isa't-isa?

Prospect: "Yes, Bakit?"

Ikaw: "Ibig mo bang sabihin ay interesado ka sa business na'to pero wala ka lang pera O sinasabi mo lang na wala kang pera dahil mabait kang tao at ayaw mo kong ma-offend kaya hindi mo kaagad masabi na hindi ka interesado :-)" 

Kapag sinabi nilang hindi sila interesado, ito ang gawin at sabihin mo...

Ikaw: "Sabi ko na ehh, Ha ha ha. Ikaw talaga... Walang problema. I understand hindi naman kasi talaga para sa lahat ang business na'to. Ang hinahanap ko lang ay yung interesadong matulungan ng opportunity na'to.

OR you can also ask for referral...

Ikaw: "May kilala ka bang gustong kumita ng  ___ per month na additional income at pwedeng matulungan ng business na'to?

Free 3 Videos How To Sponsor 10-23 DownlinesKapag naman sinabi nilang interesado talaga sila kaso wala lang talaga silang pera. Ang kaylangan mo lang gawin ay turuan sila kung paano mag isip na parang mayaman. How to think like a rich person.

Turuan mo sila maging resourceful. Kaya kasi nila nasabi na wala silang pera ay dahil meron pa silang poor mindset. Gusto nila yung business pero hindi nila alam kung paano maging resourceful. Hindi nila alam kung paano makakagawa ng paraan para makapag-raise ng puhunan. Tuturuan mo sila kung paano mag-isip ng parang mayaman - madiskarte.

Ganito yung sasabihin at ipapagawa mo sa interesadong prospect na hindi talaga nagpapalusot.

Answer 1:
Ikaw: "Naiintindihan ko yang sitwasyon mo. Noong una kong nakita tong business na'to ganyan din yung sitwasyon ko at ganyan din yung sinabi ko... 'Wala akong pera'

Pero na-realize ko... kung wala akong gagawin na paraan. At kung wala akong gagawing bago wala ding mangyayari bago. Kung 5 years ago sinasabi ko na yung salitang 'Wala akong pera', malamang 5 years from now ay paulit-ulit ko pading sasabihin yung salitang 'Wala akong pera'.

Kaya ang ginawa ko... gumawa ako ng paraan, (Sabihin mo kung ano ang ginawa mong paraan para makapag-raise ng pang-invest)

Ito yung gusto kong itanong sa'yo... gusto mo bang habang buhay mo nalang sasabihin yung salitang yan?... 'Wala akong pera'

Answer 2:
Make them feel Uncomfortable with their situation.

Prospect: "Wala akong pera bro?"

Ikaw: "Totoo bang wala kang pera?"

Prospect: "Oo, totoo."

Ikaw: "Anong pakiramdam ng walang pera?" (Pagkatapos mong magtanong, tumahimik ka at pakinggan mo yung sasabihin nya)

Prospect: "Hindi. OK." (Normally hindi mag oopen up ang iba kung ano ang pakiramdam ng walang pera)

Ikaw: "Paano hindi OK? pwede mo bang i-explain" (Let them talk, mararamdaman nila yun, di ba)

Ikaw: "PROSPECT NAME, mukhang hindi nga OK yung ganyan sitwasyon at pakiramdam. Pero paano mo magagawang mabao yang sitwasyon mo kung hindi mo babaguhin yung ginagawa mo o kung wala kang gagawin bago?"

Kung gusto mo ng mabilisang sagot, ito yung pwede mong sabihin...

Ikaw: "Seryoso ka ba kanina nung sinabi mo na makakatulong itong opportunity na'to sa'yo para (you reason why nila)."

Prospect: "Oo, seryoso ako."

Ikaw: "Kung may maiisip kang 3 magandang paraan para makapag-raise ng pang-invest para makapag-start ka sa business na'to at para (yung reason why nila), anu-ano yung mga paraan na yun?"

Analyze at i-combine mo lang ang mga script na'to and most importantly be yourself. :-) Marami kasi na para ng robot sa pag apply ng mga script na'to. Be yourself ka lang...

Kaylangan mo maging ikaw. You are best at your own style. Be yourself ka lang. Self-awareness is important. :-)

Did this help you? If so, I would greatly appreciate it if you commented below and shared on Facebook.

MLM Training Philippines





Jumair Macabago's Empowering Blog
Facebook: @jumairmacabagopage
Email: [email protected]

Considering Online Training? Check out the upcoming FREE Online TrainingSerye this October 17, 2016, CLICK HERE!

PS: Kung Wala Kang Team, O Wala Ka Pang Napapasali, (Kahit 10 Man Lang Na Prospect), This is the Course you Should Get - Network Marketing Training Course

Love this article? Share this with your friends.

Write Your Comment Below

Comments

  • May 9, 2016

    I totally agree bro Jumair about this post…

    “You are already awesome, you just need to believe that you are.”

    • Jumair Macabago
      May 10, 2016

      Thanks Lenz,

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

%d bloggers like this: