4 S's of Belief

The “4 S’s” of Belief That Will Make You Succeed Right Now

by Jumair Macabago

In this blog post, ituturo ko sa’yo ang 4 S’s of belief na kaylangan mo malaman at maintindihan para ikaw ay maging successful sa kahit anong industrya ka nabibilang.

May mga ideas ka ba na naiisip gawin pero di mo magawa or nagagawa?

May mga plano or pinaplano ka bang gawin or pasukin pero hindi mo magawang umpisahan?

Kung “YES” ang sagot mo… keep on reading dahil ituturo ko sa’yo ang 4 S’s na kaylangan mong matutunan at ma-develop para magawa mo na yung mga gusto mong gawin.

Let me share you a story bago ko ishare sa’yo ang 4 S’s of belief.

4 S's of BeliefMay isang 36 years old na babae na sobrang galing magluto from Caloocan at may sarili siyang pamilya, may tatlong anak siya.

Ang babaeng to ay mahilig magluto at ang maganda pa dun  ay masasarap ang bawat luto niya hanggang sa pati mga kaibigan, kamag-anak at kakilala niya ay kinu-complement siya sa sarap ng mga luto nya.

Ang laging sinasabi ng mga taong nakakatikim ng luto nya ay “WOW, galing mo naman, sarap ng mga luto mo…”

Ganun siya ka-galing magluto.

So isang araw ang babaeng to ay nagkaroon ng idea at narealize n’ya na “Paano kaya kung magtayo ako ng sarili kong restaurant?”

Naisip niya na bakit kaya hindi n’ya subukan magtayo ng sarili n’yang restaurant?

Naisip n’ya at nakita nya na malaki ang potential kung susundin n’ya ang kanyang hilig, ang kanyang passion sa pagluluto at magtayo ng sarili nyang restaurant.

So ang ginawa ng babaeng to ay nagplano s’ya na gawin ang restaurant na yun. Inisip n’ya kung paano gawin, ano ang mga kakaylanganin pero after 23 years.

Hindi natupad at hindi natuloy ang pagtayo ng restaurant na pinlano n’ya.

Ang babaeng yun ay 59 years old na ngayon. Hindi n’ya natuloy ang pinlano nyang restaurant. Hindi natuloy yung pangarap nya.

Alam mo ba kung bakit?
Dahil yun sa unang “S”.

SELF-TALK – according to research ang tao ay makakarinig o makakakuha ng mahigit 150,000x of negativity na tulad ng “Hindi mo kaya yan” o kaya naman ay “Impossible yan” o kaya naman ay “Wag kang tumoluy dyan” sa edad na 17 pataas.

Imagine that, 150,000x mo na pala itong narinig pagdating mo sa 17.

Ang nangyari sa babaeng yun ay paulit-ulit nya na naririnig na “Hindi niya kaya”, “Mahirap yan”, “Wag mo ng ituloy”, sinasabi niya sa isipan nya ang mga to dahil nasanay siya na ito ang naririnig nya ng paulit-ulit.

Ang nangyayari sa atin pag may naisip tayong ideas, plano, strategies, o kaya naman ay gustong pasukang opportunities ay hindi natin naitutuloy dahil dun sa SELF-TALK.

Yun sinasabi natin sa sarili natin ng paulit-ulit. Paulit-ulit ang SELF-TALK sa isipan natin at nangyayari ay nawawalan tayo nung ikalawang “S” which is SELF CONFIDENCE.

Ganun ang nangyari sa babae. Nawala yung self confidence niya sa sarili kahit naman ay magaling siya magluto. Kaya ang nangyari hindi niya naituloy yung plano n’ya.

This is a common story na nangyayari sa mga taong pumasok sa business industry.

Paulit-ulit nila sinasabi sa sarili na “Baka hindi ko kaya to” hanggang sa naging “Hindi ko talaga kaya” dahil nawala na ang Self Confidence.

Ang first S ay “SELF-TALK”.

Ang second S ay “SELF CONFIDENCE”.

Ang key sa SELF-TALK ay dapat puro positive ang sinasabi mo sa sarili mo at nilalagay mo sa isipan mo para positive din ang resulta na nangyayari sa buhay mo.

So pag positive yung SELF-TALK mo magiging positive din ang SELF CONFIDENCE mo. Tataas ang self confidence mo.

Karamihan sa pumapasok sa pag ni-negosyo. Ang dalawang yan ay nagiging negative, ang nagiging totoong problema ay nagiging negative ang SELF-TALK at SELF CONFIDENCE.

Para magawa mong maging positive ang dalawang to. Ang kaylangan mo lang gawin ay idevelop o iapply ang pangatlong S which is SELF WORTH.

jumairmacabagoSELF WORTH – yung halaga na tingin mo sa sarili mo. Ang kaylangan mo lang gawin ay pataasin ang halaga mo.

Alam mo kasi yung sa self-talk at self confidence ok lang na nalaman mo na medyo mahina kana. Pero wag mong itutuloy sa SELF WORTH…

Yung tipong tingin mo sa sarili mo ay walang ng halaga.

Karamihan sa pumapasok sa business industry ay nai-istuck sila sa dalawang yun. Nai-stuck sila sa SELF-TALK at SELF CONFIDENCE kaya ang nangyayari ay bumabalik sila sa rat race.

Hindi nila alam na ang kaylangan lang nila gawin ay itaas ang SELF WORTH nila para tumaas at maging positive din ang kanilang SELF-TALK at SELF CONFIDENCE.

Yung tipong sasabihin mo sa sarili mo na “HINDI AKO PWEDENG MAGING EMPLEYADO HABANG BUHAY” sa linyang ito. Sinasabi mo na malaki ang halaga mo and you deserve something more than just being an employee.

Para mapataas mo ang Self Worth, kaylangan pag-aralan mo kung ano man yung industry na pinasok mo. Kung sa business industry ka, pag-aralan mo yung mga necessary skills na kaylangan mong matutunan at madevelop.

Kaylangan pataasin mo ang kaalaman mo doun sa industry na yun. Kung health business, pataasin mo ang kaalaman mo about health.

Kung nasa networking ka kaylangan mong pataasin ang kaalaman mo kung paano ang pag handle ng objection, paano mag prospecting at higit sa lahat paano mag close ng sale.

Pag mataas na ang Self Worth mo, magiging positive na ang self-talk mo at self confidence mo.

Pag mataas na kasi ang Self Worth mo madali mo ng masasagot ang katanongan ng prospect o client mo about your business. Madali nalang para sa’yo ang pag handle ng objection kung nasa networking business ka at kapag madali nalang sa’yo dahil sa taas ng kaalaman mo magiging positive ang self-talk at self confidence mo.

Sasabihin mo sa isipan o sa sarili mo na “sobrang dali lang pala.” O kaya naman ay “Kayang kaya ko to.. yohohoho”

Now, let’s go the 4th S which is SUPPORT.

Alam mo ba na hindi ka magiging successful na mag-isa?

Walang nagiging successful na mag-isa. So kaylangan mo ng support.

Kaylangan mo ng team na magsusupport sa’yo.

I’ll give you an example kung bakit kaylangan mo ng support.

For example:

Gusto mo ng huminto sa pag-iinum. Sinabi mo na sarili mo na hindi kana iinum, pinapaniwala mo ang sarili mo na hindi ka iinum.

Pero kapag ang support o kaya naman ay taong nasa mga paligid mo ay manginginum. Kung pag labas mo ng bahay ay ang mga nasa paligid mo ay manginginum.

Ang mangyayari ay mawawalan ka ng self confidence at mai-influensyahan ka ng mga nasa paligid mo.

PERO kung ang support mo, yung nakapaligid sa’yo ay talagang ayaw ng uminum. Hindi kana talaga makakainum.

jumairmacabagoGanun din dito sa business industry.

Kung gusto mo talagang maging successful, sumama ka sa mga taong nagbibusiness at may resulta na. Sumama ka sa taong narating na ang gusto mong marating.

Kaylangan mo ng taong tatapik sa balikat mo at sasabihin sa’yo na kaya mo yan.

Noong nagsimula ako palagi nalang ako mag-isa matapos ako iwan ng upline ko.

Kaya ang ginawa ko naghanap ako ng mga taong pwede ko samahan at yung may resulta talaga at ginagawa yung mga tama at nagwowork na strategy.

Your support can influence you. Kaya dapat kaylangan mo ng support na tutulong sa’yo maging successful sa business na kinabibilangan mo.

Kaylangan mo ng support na hindi lang puro motivation ang alam. Let me clarify it, kaylangan mo ng support na hindi lang puro motivation, kaylangan mo ng support na kung saan matututunan mo ang mga skills na kaylangan mo para maging successful.

At kaylangan din na yung sasamahan mo na support o team ay ginagawa talaga yung mga itinuturo nila. Yung tipong nagwowork talaga yung itinuturo nila, yung mga tipong nagkakaresulta talaga.

Dahil pag yung team na sinasamahan mo ay walang resulta, ang mangyayari hindi ka rin magkakaresulta. Mahahawa ka ehh.. 

Pero pag nagkakaresulta yung sinasamahan mo macha-challenge ka at mapapatanong kung anong kulang sa’yo. Magiging aware ka at magkakatanongan kayo.

That’s it! Hope this helps.

SUMMARY of this blog post:

4 S’s of belief.

1. SELF-TALK – Yung sinasabi mo sa isipan mo o kaya naman sa sarili mo ay dapat positive

2. SELF CONFIDENCE – Dapat may self confidence ka at magkakaroon ka lang nito kung positive ang SELF-TALK mo.

3. SELF-WORTH – Pahalagahan mo ang sarili mo, itaas mo ang halaga mo para maging positive ang SELF-TALK at SELF CONFIDENCE mo.

4. SUPPORT – Dapat may tamang team ka, sumama ka mga hindi lang puro motivation, sumama ka sa mga nagkakaresulta talaga para mahawaan ka nila.

Did this help you? If so, I would greatly appreciate it if you commented below and shared on Facebook.

MLM Training Philippines





Jumair Macabago's Empowering Blog
Facebook: @jumairmacabago
Email: J@JumairMacabago.com

PS: I Guarantee YOU Will Make Money Using This Automated Income System & Following The 10 Step Training OR I Will Pay You P5,000 Cash Just For Trying Out! CLICK HERE!

Meron ka bang 'S' belief sa apat na'to? 

Love this article? Share this with your friends!

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

%d bloggers like this: